chupschuppa:

misterchips:

Talaga! Masaya talaga ang buhay hayskul.

Kahit na maraming problema, maraming away, maraming di pagkaka-intindihan, masaya. Hindi matatawaran ang buhay hayskul. Sabi nga ng nakatatanda sa atin, “the best years of my life were during my High School years.” Nosebleed edition lang. Siyanga naman.

Sa aking sariling karanasan, di lang masaya, kung hindi masayang-masaya ang buhay hayskul. Marami man akong naging obligasyon at responsibilidad ay naging produktibo naman ako, naging mas masipag at naging mas matibay sa buhay. Shet, ang lalim. Pero sa dinami-dami man ng nagsisitambakang projects, assignments at exams, ang di mo pakakawalan sa lahat ay ang iyong hayskul barkada. Sa akin, sila talaga nagpapasaya sa aking araw-araw sa paaralan. Boring man ang klase ni Mam at Sir, nariyan sila sa aking tabi, bilang seatmates, at kami’y makipagdakdakan tungkol sa kahit ano. 

Sila’y aking naging kaibigan sa buo kong paglakbay sa hayskul. Sinabi ko na nga noon na, sa classroom lahat kami magkakaibigan. Nagsisiraan man, pero mahal pa rin namin ang isa’t-isa kahit kami’y manhid at walang pakialam. Nagsimula ang aking samahan sa kanila noong elementarya pa lamang, at dinagdagan pa mula sa ibang paaralan nung tumuntong kami ng hayskul.

Paghahalakhakan, pag-tsi-tsismis, paglalakwatsa, pangongopya - lahat nagawa na namin ‘yan. Kami’y nasa Star Section mula elementarya pero sa tingin ko’y kami’y napagod sa mga expectations sa amin kaya minsan na kaming rumebelde sa mga guro. Di pumasok sa paaralan, at di nakikinig sa guro. Naka-ilang pambabastos na rin kami sa mga guro. Siguro lahat ng guro sa aming paaralan ay mayroon kaming bad record. Minsan na nga kaming binansagang, worst section ever pero di namin pinalampas at aming pinatunayang kami’y may ibubuga pa.

Freshmen year, isang taong talagang puro adjustment. Syempre hilaw pa sa bagong mga mukha, bagong gawain at bagong pamumuhay.

Sophomore year, parang kami’y pinakawalan sa kulungan. Ang section nami’y madalas sa dalampisigan, ayun nagsu-swimming, at naglalaro at parang walang pakialam sa mundo. Hindi matatapos ang linggo kung hindi kaming lahat makakapunta sa rest house ng aming kaklase. Pero medyo nahirapan din kami dahil sa subject na Biology. Minsan nga, nag-exam kami sa Bio at walang titser na nagbabantay sa amin. Ayun, lumilipad papel namin kung saan-saan. Tapos, pagchecking na, magkadikit lang scores namin.

Junior year, dito kami’y lubos na rumebelde. Sa isang linggo, mayroon talagang guro na magagalit sa aming katarantaduhan. Sawa na kami sa pinagagawa nila sa amin, at palagi na lang copy-paste na lang ang ginagawa. Minsan ako ang source ng lahat, minsan naman si kwan. Parang ganon. Parasitism kung baga. Kaya nga kami ang may pinakamaraming honor roll nung third year kasi ‘yun nga. Sharing is loving yung motto namin. At dito rin sa taong ito, first time kong nag-skip ng klase. Lumabas kami sa campus, dahil nga Drum and Lyre halos kami lahat sa klase at di alam ng guard na dapat ay nasa classroom kami, so ayun, sabi namin uuwi kami sa aming bahay para pumalit at babalik din. Pero hindi. Beach hopping at nagvideoke kami. Galit na galit ang mga guro sa amin noon considering kami pa ang star section sa third year. Parang pangit na ang kanilang perception sa amin. At dito talaga sa third year kami’y nanggulo sa hayskul ng aming eskwelahan.

Senior year, nilubos-lubos na namin lahat. Lahat ng last nire-record namin. Nire-reminisce namin ang mga kagaguhang aming ginawa. Dito na kami nagka-isip na mali pala ang aming ginawa noon. Ako mismo, naiintindihan ko ang mga hinanakit ng aming adviser noon na kami’y araw-araw na pinagagalitan. Dahil kami nga manhid, di tumatagal sa amin ang mga gan’yan. At isa pa, dito sa year na ‘to kami’y nagkaroon ng maraming responsibilidad. Kasama na d’yan ang pagiging kuya’t ate sa mga nakakabata naming estudyante. Marami ring responsibilidad dahil pinahawak sa amin ang mga maraming orgs and clubs. Medyo nasanay na rin kami mula first year kaya hindi naging problema sa amin ang mga responsibilidad. At dito, sa year na ‘to binigyan ako ng pagkakataong maging full scholar sa kolehiyo. Graduate ako ng valedictorian, at talagang di ako makapaniwala nung una kasi yung hangad ko lamang ay 1st honorable mention, at masaya na ako doon. Pero hindi e, binigay ni Lord sa akin ang Valedictorian kasi alam Niyang kailangan ko ito para sa aking kolehiyo.

Sa dinami-dami man ng aking napagdaanan sa hayskul, labis akong nagpapasalamat sa lahat. Talagang ‘yun na nga siguro ang mga pinakamasayang araw sa aking buhay. Hindi ko mauubos ang aking experiences at napagdaanan sa isang blogpost lamang. Marami pa akong ise-share sa inyo pero aabutin tayo ng sgiyam-siyam kung sasabihin ko lahat. 

Hindi po ito speech ha. Ito po ay isang pahayag sa aking naging buhay hayskul. Salamat.

REBLOGGING FOR THE TEXT.

  1. lhizette reblogged this from prettyswggr
  2. geelipian reblogged this from faindylicious and added:
    I miss my Highshcool days..
  3. akosianjie reblogged this from bookofmeandyou
  4. zj520-yummyfull reblogged this from absolutawsme
  5. dontstealmyheartaway reblogged this from tipsyofyourlove
  6. miicaikoooo reblogged this from hazeelovespink
  7. marialorenamiranda reblogged this from nomnomzyrex
  8. almostrixie reblogged this from enishaxiv
  9. whenissasings reblogged this from kathleenaiko
  10. cyclonecore reblogged this from enishaxiv
  11. enishaxiv reblogged this from faindylicious
  12. theycallmerochie reblogged this from supermancanrawr
  13. stephoncall reblogged this from faindylicious
  14. batmanislovelovelove reblogged this from anne-alvarez
  15. sarahcrld reblogged this from sabog
  16. alphonse00 reblogged this from mememeng
  17. define-bitter reblogged this from girlsjustwannahavefuuun and added:
    worst section din kami. since elementary. till now. kasi. sama sama pa rin. haha. star section pa naman. bleeeeh :D
  18. hazeelovespink reblogged this from jessicafeliz
  19. yunhoverdose reblogged this from siyarakwen
  20. siyarakwen reblogged this from gkate
  21. prinsipekita reblogged this from iamindeepfreeze and added:
    i miss HS life ;c