Posts tagged blog.

New video on Youtube! Sorry low quality, for faster upload! http://www.youtube.com/watch?v=2KjMyIuue6U Please do watch and support! Share! :) Thank you!

Posted my first video blog on Youtube.

faindylicious:

http://www.youtube.com/watch?v=UwNRd3AqUCo

Sorry for the low quality and how boring the video is. Lewl.

#blog  

Nakikita nyo ba yung batang babae na may malapad na noo tapos tila dinrowing ng bilog gamit ang Photoscape?

Oo. Sino pa ba yan?
Malamang, ako.

*insert comical background music ala WOTL

Hayyy. Grade 1. Dyan ako natutong magbasa ng matino. Dyan ako natutong magsulat ng hindi lumalagpas sa blue lines pag big letters tapos di lalagpas pataas sa red lines pag small letter.

Dyan ako natutong gumawa ng matinong pangungusap..

Si Maria ay naligo sa banyo.
Si Pedro ay naglalaro ng bola.

A for Apple. B for Ball. C for Condom. D for Dougie.

Dyan din ako natutong magdrawing ng matino. Oo. Yung karaniwang bahay na nasa harap ng malaking bundok na may araw sa gitna. Tapos mala-McDonald’s ang ibon. Combohan mo pa ng bukid na parang yung papel na ginagamit natin sa math? Yung may green lines? Ano nga uli tawag dun? Ay, oo. Graphing paper.

Dyan din tayo natutong sumagot ng matino sa teacher. Na magtataas muna ng kamay bago sumagot dahil pag sumagot ka ng hindi ka tinatawag? PAK! Instant ruler ang papalo sa pwet mo.

Oo. Palo sa pwet. Terror talaga mga teacher noon. Alalang alala ko pa, top 1 ako nun. May quiz kami tungkol sa Antonyms at Synonyms.

Teacher: Write A for Antonyms. B for Synonyms.
Faindy: Dapat S nalang. Kasi Synonyms.
Teacher: Hayaan mo na.
Faindy: Eh S nalang!
Teacher: P*%@ng!n@!! IKAW NALANG KAYA MAGTURO DITO?! 

Ibinalibag sa table ko ang lesson plan at chalk. At syempre, bilang bata. Umiyak nalang ako.

Oo. Napakaiyakin ko nung bata ako. Mataya lang sa mataya-taya tapos wala na akong mahabol, iiyak na ako. Maging taya ako sa Langit Lupa tapos wala akong mataya, iiyak na ako. Takutin lang ako ng teacher ko na ilalagay nya ako sa Top 2 dahil tumatakbo ako habang wala ang teacher, iiyak na ako. Asarin lang ako ng classmates ko na kapre, iiyak na ako. Siguro hindi nagbago. Hanggang ngayon, iyakin parin ako. Ay, nabuking.

At dahil mula pagkabata malandi na ako, syempre. Di mawawala ang first puppy crush. Oo, puppy crush lang. Hindi sa ginagawa kong aso sarili ko, pero kumbaga parang pambatang kilig lang. Sino?

Siya. Yung kupal na mala-80’s ang hairdo na tila dinrowingan ng itim na bilog sa Photoscape. Oo, naaalala ko pa nung ang service ko nyan eh tricycle lang kasi sa kabilang phase lang naman ang school namin tapos siya ang service nya, parang jeep na aircon.

Alalang alala ko pa nung ilalabas ko ulo ko sa trike para lang makita siyang naglalaro sa loob ng service nya dahil laging magkasunod ang service nya at service ko kapag pauwi. Batang-bata palang ako lumalandi na ako. Tatawagan ko siya sa bahay nila pagkatapos ng klase. Gagawa ng rason para makausap siya ng wagas.

Faindy: Hello?
Tao sa kanila: Sino ‘to? Iha, nawawala ka ba?
Faindy: Hindi po. Pwede po kay Lawrence?
TSK: AAAAAAAAACE!!!!!!
Lawrence: Hello? Sino ‘to?
Faindy: Si Faindy!
Lawrence: Bye! 

At, oo. Bata palang ako. Rejected na ako sa lovelife. *So what’s the point in all of these when you will never change?*

Kalaro ko yan lagi. Mapa-matayataya, follow the leader, tagu-taguan o langit lupa. Yun nga lang, medyo nagsawa ata siya nung nahahalata nyang laging siya tinataya at hinahanap ko.

Speaking of hinahanap. Hinanap ko ang Grade 1 memoirs ko sa photo album. Yun nga lang, wala akong scanner para i-scan ang pictures. Wala. Commercial lang ‘to. Good morning sa inyoooooo!

Kahit sabihin nating Top 1 ako, bobo parin ako sa Math. Naalala ko nung dumayo nanay ko sa school para dalawin ako kasi nalaman nyang bagsak ako sa quiz dahil sa tanginang Lesser than, greater than at equal to na yan. Malay ko ba na > ang greater than? Malay ko ba na < ang less than? Ang alam ko lang = kapag magkaparehas na number! Samu’t saring kurot at palo nakuha ko sa nanay ko nung araw na yun.

Naalala ko naman nung naiwan ng nanay ko 500 pesos nya sa libro ko. Nasa school ako nun, diretso akong canteen. Bili ako ng gusto ko. Kasagsagan pa yun ng Roller Coaster, Pretzel tsaka Ovalteenies. Ang dami kong binili! Pinamili ko mga kaibigan ko ng kung anu-ano. Kasi noon, ang baon lang ng isang tulad ko, sampung piso. Sinong mag-aakala na pinabaunan ako ng nanay ko ng limangdaan? Inipit ko yung sukli sa pencil case ko at pagkauwi ko, sinabi ko sa katulong namin.. “Yaya! Mas mayaman na ako sa’yo!” SYET! Dapat di ko nalang sinabi! Makikita nalang na naka-dipa ako sa harap ng pintuan ko, may dalawang libro sa kamay. At as usual, umiiyak. Akala lang daw kasi ni yaya, play money. Natuwa kaya sinabi kay daddy. Kaya ayun, raging fire ang ulo ng ama ko. Syempre ako ngalay na ngalay na, pinatigil na ako ni papa at pinapunta ako sa kwarto ko. Natulog kuno. Pero mamaya-maya naramdaman ko, hinalikan ako ni papa. Hew swet nemen teh.

Lumipas ang mga araw, recognition na. Syempre, as usual ako ang pinakaunang tinawag. Top 1 si gaga eh.

Nakakatuwang isipin na hindi nagiiyakan ang mga bata noon kapag recognition o ending na ng school year. Imbes na mag-iyakan. Ayun, hanggang ceremony… “Langit lupa impyerno. Im, im, impyerno. Saksak puso tulo ang dugo.

Kamiss maging bata no?