I still drown in your love and drink ‘til I’m drunk. And all that I’ve done, is it ever enough?

I still drown in your love and drink ‘til I’m drunk. And all that I’ve done, is it ever enough?

shared on May 15 with 45 notes

May girlfriend ka ba? Nililigawan o special someone ngayon? Sumagot ka!

Yan ang walang hiyang tinanung ko kay Joshua sa Facebook chat nung gabing nakipaghiwalay ako kay Jiro. 

Eh bakit mo naman ginanun yung tao?” Tanong sa akin ng kaibigan ko
Ginawa ko yun para malaman nya kung ano ang pakiramdam ng pinapalitan kaagad pagkatapos mismo makipag-break.” Nagpipilantik ang mga daliri ko habang kinukwento ko ang buong detalye para lang makita nya yung punto ko. “Akalain mo, nakipagbreak siya sa girlfriend nya tapos liligawan ako right after the break up? Eh gago pala siya. Kelangan nya matuto.” Nagfifeeling superhero ako nung oras na yun. Inisip ko baka matuto siya pero mukha namang hindi. Hinayaan ko nalang yung tao.

*tok!*

Ayan. Nagreply na si Joshua!
Dali-dali kong tinignan ang PM sa akin para malaman kung meron man siyang special girl sa buhay nya. May plano ako and my plan was perfect.

Wala. Bakit?
Mag-relationship status tayo!
Hahahahaha! Nyak. Bakit naman?

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya. Sasabihin ko ba na kailangan ko siya para ipaghiganti lahat ng mga babaeng pinagpapalit kaagad after 3.6 seconds ng break up? Hindi. Panget.

Wala lang. Boring kasi ng Facebook eh. Tumal masyado. Tignan lang natin mga reaction ng tao! Baka magulat sila kasi di naman tayo close.

Tangina. Mas pangit yung sinabi kong dahilan pero hayaan na. Nasabi ko na. Inisip ko na hindi siya papayag at kailangan ko nanamang maghanap ng pwedeng makokontsaba. Kaya hangga’t di pa siya nagrereply, naghanap na ako ng back-up sa listahan ng mga naka-online.

*tok!*

Sige. Sige. Game.
Score! Nakahanap narin ako ng partner-in-crime ko! Nagulat ako dahil pumayag siya kahit hindi naman kami gaano nag-uusap dati.

*insert flashbacks here

Strangers kami ni Joshua nung high school. Di kami nagpapansinan. Di kami nagtitinginan. Ni di ko nga alam na Joshua Carreon pala ang pangalan nya. Nalaman ko lang nung fourth year high school na. Wala namang espesyal. Naging magkaibigan lang kami nung nangailangan kami ng kukumpleto sa grupo ng K-pop Entertainment namin. Gumanap siya bilang Onew. Awkward din para sa amin ang magsama ng kaming dalawa lang dahil hindi kami nag-uusap. Ni eye contact, wala parin.

*balik tayo sa kwento*

Baka mamaya may bumugbog sa akin ah.” Pabirong sabi ni Joshua
Wala yan. Ako bahala sa’yo.” Pumasok na sa utak ko ang maganda kong plano. Naisip ko kung paano malalaman ng lahat na kami talaga at hindi lang lokohan ang nangyayari sa aming dalawa. “Dapat realistic ang relationship natin sa Facebook. Kailangan maging sweet tayo sa wall. Dapat may mga Skype or Video call printscreens tayo para maniwala talaga sila.

Naisip ko munang gawin ang Video call printscreens. Tinawagan ko si Joshua via Facebook. Nakita ko na natatawa siya sa mga pinaggagagawa naming dalawa. Dali-dali kong pinrintscreen ang video call picture at nilagay sa Facebook.

Dumadami na ang naniniwala!” Natutuwa ako dahil gumagana ang plano ko. “We’re going to be the best Facebook couple ever. Tatalunin natin ang Jamich sa pagka-jejemon ng mga video call printscreens na ipopost natin!

Napansin ko na tahimik lang lagi si Joshua. Tumatawa lang siya sa mga sinasabi ko. Sabi ko sa sarili ko, hindi ganito ang tipo kong lalake. Kaya everything was perfect. I’m not yet ready to be in a relationship again.

Habang dumadaan ang mga araw, parami na ng parami ang mga printscreen at fake wall posts with “I love you” and everything. Then long and behold, lahat ng tao, naniniwala na kami.

Huy, Babe! Hahahahahaha!” Nag-PM sa akin si Joshua ng biglaan at tinawag akong Babe. Babe, babe as in yung baboy? No. Babe as in yung tawagan ng mag-syota. Pero alam kong niloloko nya lang ako. Nakikipaglaro narin siya ng damdamin sa chat box. Wala na akong nagawa kung makisakay. For fun lang naman. Diba?

Hihi. Hello, babe. HAHAHAHAHAHA!” Natatawa ako at hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ‘to. “Gusto mo ng lokohan? Bibigyan kita ng joketime na di mo makakalimutan.“ Sabi ko sa sarili ko.

Nakipag-video call ako sa kanya at kung anu-anong banat ang mga sinasabi ko sa kanya. Minsan paulit-ulit. Minsan bumabanat din siya. Umabot kami ng madaling araw dahil lang sa pakikipaglokohan namin sa isa’t isa. At kelangan na naming matulog. Naghingian nalang kami ng number. Naka-Globe siya, Naka-Smart ako. Bakit? Mga naka-Smart ang mga taga-Kidapawan at wala akong choice kundi gumamit din nun pero nakatago parin ang Globe ko sa wallet ko.

Kinabukasan, nag-online ako.

Babe. I miss you na! Hahahahaha!” Nag-wall post si Joshua sa Facebook ko kahit di namin napagusapan kung ano ang ipopost namin. Ganun kasi yun. Pinaguusapan namin kung ano ang ipopost at kelan ipopost kaya medyo nagulat ako sa nakita ko. Pero nandun parin yung malupitang tawa sa huli ng mga sentences. That should tell na joke lang ang lahat.

Babe. I miss you more! Hahahahaha! Hindi ako makakapag-online mamayang gabi hanggang Sunday. Uuwi ako ng Tulunan this weekend. Magpapaload nalang ako sa Globe. I love you! Hahahaha!” Totoo ba to? Bakit ko sinabi yun? Bakit ko nalang basta basta sinabi sa kanya yung gagawin ko at bakit ako nagpaalam na di ako makakapag-online? Nakaramdam ako ng kaba. Alam ko ‘tong kaba na ‘to. Hindi maganda ‘to.

Hi, babe! Faindy ‘to. Globe ko ‘to.
Hala. Nagpaload talaga siya. Hahaha.

Medyo tumagal ng onti ang pagtetext namin sa isa’t isaNagulat ako sa sarili ko dahil ako mismo, gumagastos ng load ko para lang makapag-unlicall sa Globe. Umabot kami sa puntong nag-uusap na kami gabi-gabi. Gabi-gabing “I love you” na joketime. Gabi-gabing landian na wala namang katuturan. Gabi-gabing banatan.

Oh, eto. Ikaw ba ang AUNTIE ko?” Tanung ni Joshua
Bakit? Hahaha.
AUNTIE-nitibok ng puso ko. Hahahaha!
Joshua.”
Oh?
Bangin ka ba?
Haha. Luma na nyan ah. Pero, sige. Bakit?
Na… na.. nahuhulog na ako sa’yo.
HAHAHAHAH! Sabi na eh. Lumang banat na yan!“ 

Eto nanaman yung kaba. Yung kabang nararamdaman ko dati na ayaw ko nang maramdaman ulit. Habang naririnig ko ang mga tawa nya. Habang naririnig ko yung malambing nyang boses. Bumibilis ng bumibilis ang puso ko. Eto na eh. Nagkagusto na ako sa kanya.

Te Faindy, may tumatawag sa phone mo.” Sabi sa akin ng roommate ko sa boarding house

(Joshua Carreon is calling…)

Oh, napatawag ka?
Wala lang. Hahaha.

Dun na nagsimula ang mga panahong nagpapaload narin siya para makapag-unlicall. Dun na nagsimula ang mga pagtawag nya sa akin.

Grabe naman mga naging crush mo, puro singkit.” Patawang sabi ni Joshua
I have a type you know. Mahilig ako sa mata. May mga crush akong singkit, malumanay ang mata, banlag, kirat, matang-pusa.
Wow. Kirat. Sino naging crush mo na kirat?

Nagulat ako sa sinabi nya dahil hindi ko mismo alam na nasabi kong kirat. ”Shit. Bakit ko sinabing kirat? Eh siya lang naman ang crush ko na kirat?!” Sabi ko sa sarili ko. Kailangan ko ng palusot. “Ah, yung kapitbahay namin sa Magdalena. Kirat  yun eh.” Sabay isang nerbyos na tawa.

Lumipas ang mga sunud-sunod na gabi na nagsasabihan parin kami ng “I love you” pero lokohan lang sa pagkakaalam ko. Ako ang laging nauunang nagsasabi nun. Pero dumating na sa puntong hindi na pagloloko ang sinasabi ko. Nagpatuloy ‘to ng ilang gabi. Sabi nya never nyang sinasabi yun ng nauuna siya kaya nagulat ako dahil dumating kami sa puntong nauna siyang magsabi ng “I love you”. Nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko. Yun yung sinasabi nilang kilig. Nakaramdam ako ng kilig at kiliti sa sarili ko. Hanggang sa napapansin ko na nauuna na siya lagi magsabi ng overused sentence na “I love you.”.

Hindi ko na kaya to.” Sabi ko sa sarili ko. “Gusto ko nang malaman kung ganito rin ba nararamdaman nya sa akin. Gusto kong malaman ngayon dahil baka mamaya mag-assume lang ako. Baka mamaya kung patagalin ko pa ‘tong laro na ‘to, masaktan lang ulit ako.” Inisip kong mabuti kung paano ko itatanung sa kanya. Gustung-gusto ko na talaga malaman. Para matapos na ang lahat. Para masagot na lahat ng tanong na meron ako.

“Joshua. May tatanung ako.”
“Ano yun?”
Biglang umurong ang dila ko, natakot ako sa kung ano ang isagot nya sa akin. “Wag nalang pala.”
“Ano nga yun? Wala na. Di na ako makakatulog nito.”
This is it, Faindy. Tanungin mo na. “This is just a hypothetical question. No special emotions involved pero kasi, napag-isip isip ko lang na baka kasi mamaya mali pala ang nasa utak ko.. Tsa—”
“Ano nga?”
“Totoo na ba ‘to?”
“Ang alin?”
“Eto. Tayo. Ano ba tayo? Totoo na ba ‘to? O lokohan parin?”

Hindi siya nagsalita. Hindi siya umimik. Walang sumasagot sa kabilang linya. Malapit na akong lumuha. Natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano man ang maaari nyang isagot. Pero kailangan handa ako. Dapat handa ako sa kung ano man yun dahil wala naman siyang kasalanan dito. Kung masaktan man ako, kasalanan ko. Nagtatapang-tapangan ako pero deep inside pinagdadasal ko na sana “Oo” ang isagot nya. Na sabihin nyang nararamdaman din nya ang nararamdaman ko para sa kanya. Bigla siya siyang nagsalita..

Uhhh..

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Naririnig nya kaya yun sa phone? Naririnig kaya nya ang ninenerbyos kong puso?

Faindy..

Tumulo bigla ang luha ko. Nararamdaman ko nang masasaktan nanaman ako. Nararamdaman ko nanaman na mukhang bigo nanaman ako sa pag-ibig. Naisip ko na mamamatay ako mag-isa. Lahat ng masamang pwedeng mangyari pumasok na sa isip ko.

Sa tingin mo magsasayang ako ng pera at oras kung hindi ‘to totoo? Oo. Totoo na ‘to.

Yung tears of sadness ko, naging tears of joy. Hindi ko mailabas kung gaano ako kasaya. Mahal ko siya at mahal nya rin ako. Hanggang ngayon, masaya parin kami. Kahit long distance relationship kami, naniniwala kami na tatagal kami basta’t may komunikasyon lang at tiwala. At darating din ang araw na magkikita kami at pag nagkita kami, yun ang magiging pinakamasayang araw para sa aming dalawa.

Hindi ba nakakatuwa? Yung mga taong dinadaan-daanan mo lang dati sa high school corridor, yung mga taong di mo alam na nage-exist pala, yung mga taong di mo inisip na magiging ka-close mo o magiging kaibigan mo, nagkakaroon parin ng malaking tsansa para maging malaking parte ng buhay mo? Pag-ibig nga naman talaga. Napaka-misteryoso. Hindi mo alam kung kelan ka huhulihin.

Ikaw? Anong kwento mo?

shared on September 20 with 108 notes

Daddy, do you even love me? Char. Boses palakaaaa! =))) Lol. Bakit? Yung magagaling lang ba kumanta pwede mag-cover? Di ba pwedeng mga nagfifeeling din?! =))

Watch my newest 47-second video on Youtube. ;) :-bd

http://www.youtube.com/watch?v=AfsrFAvp5lo

Thanks, guys! I love you! :)

shared on September 17 with 22 notes
Choice mo ang mag-assume. So choice mo rin masaktan. Wag ka magdadrama sa huli. GINUSTO MO YAN. (Faindy Vargas) —The Art of Moving on with Bitterness Approach (via ricoconess)
shared on September 15 with 40 notes via ricoconess
iamtooclassy:

Kaibigan pala ng pinsan ko si Faindy Vargas @faindylicious. Aww :) Me jelly!

Si Belle belle! :)

iamtooclassy:

Kaibigan pala ng pinsan ko si Faindy Vargas @faindylicious. Aww :) Me jelly!

Si Belle belle! :)