Ika nga ni Lourd de Veyra.
Bakit nga ba nakakalimutan na ang diwa ng pambansang bayani? Di ba nila alam na kahit saan ka pumunta, makikita mo ang presensya ni Jose P. Rizal? May paraan ang kunsumeristang kultura na pigain at nakawan ang orihinal na diwa ang isang simbolo. Lahat nalang ng mahalaga sa ating buhay, gawin nalang na Rizal upang masagad-sagad na, diba? Ayon sa lenggwahe ng makabagong komersyo at advertising.
- Rizal Deodorant “Iwas amoy malansang isda.”
- Rizal Beer “Ang amats ng kadakilaan.”
- Rizal Condom “Ang tunay na bayani, nag-iingat lagi”
- Rizal Shampoo “Para straight at smooth upang wag maging buhok Sisa”
- Rizal Hamburgers “Maghihimagsik ka sa sarap!”
- Rizal Sanitary Napkins “Pads ni Pepe, para sa iyong pepe.”
- Rizal Mobile “Ang tawag ng kalayaan”
- Rizal Cigarettes “Mi Ultimo Adios, Lung Cancer!”
- Rizal Miel’s Herbal Supplements “Tindig bayani: Sintigas ka ng rebulto, rebolusyon sa iyong pantalon.”
- Rizal Whitening Lotion “Kontra kutis Indio”
Tandaan: Ang lahat ng mga bagay-bagay sa mundo na may kinalaman kay Rizal ay walang silbi kung hindi natin alam ang tamang pag-gunita sa diwa ng ating pambansang bayani.





